• Walang gagawin sa first day ng class pero pumasok ka dahil kung hindi, mao-OP ka na sa second day.
  • Wag kalimutan ang ID dahil magkakaroon ka ng violation pag di mo dala yan.
  • Humanda sa mahabang pila sa gates dahil tinutusok este nag-checheck ang mga guards ng bags.
  • Kung may dala kang camera, laptop, iPad; kelangan mo pa syang ipa-register sa guard.
  • Hindi mo agad ma-access ang WI-FI sa FEU dahil kelangan mo pang mag-register ulit gamit ang FEU website. Hanapin nyo na lang dun.
  • Magdala ng maraming yellow paper at ballpen.
  • Dalin nyo rin yung COR nyo kasi pinipirmahan yan ng professor.
  • Alamin ang kumpletong pangalan ng prof mo. Madalas na ipa-bonus yun sa exam.
  • Isapuso ang schedule at student number. Mahalaga yan.
  • Alamin ang mga buildings para di kayo maligaw at hindi na rin ma-late sa klase.
  • Paunahin ang mga professors sa elevator.  Kultura na yan sa FEU. Wag excited sumakay ha.
  • Wag bobey, ang Tayuman  ay canteen, hindi to yung LRT station.
  • Kung may NSTP ka na, sipagin sa pag-attend dahil PASS or FAILED lang ang grade dyan. Pag di mo natapos yung required hours, alam na. See you next sem na lang.
  • Magkaiba ang COOP sa “Bookstore” so wag kayong malilito dahil karaniwan sa mga libro ay nabibili sa COOP at hindi sa “Bookstore.”
  • Ang COOP ay ang maliit na espasyo na matatagpuan sa harap ng CR sa SB g/f.
  • Ang Bookstore ay matatagpuan sa tabi ng Tayuman, yung may mga display na FEU merchandise.
  • Wag kang loner, maki-bonding sa mga kaklase para di masabi na Forever Alone ka.
  • Maghanap ng crush sa klase. Nakakaiwas to para umabsent ka (Crush lang ha. Hindi mahal. PBB Teens?).
  • Lastly, kumuha at magbasa ng FEU Advocate (the official student publication of Far Eastern University). Madami kayong matutunan dyan pramis!
That’s all. Good luck sa mga Baby Tams na Freshmen. :)